Entry: masakit ang ngipin ko... Monday, November 02, 2009



National Consciousness Month for Punctuality and Civility pala ngayong buwan... at hindi ako nakaabot sa pagpaparehistro...Tae...sobra sayang... So much for punctuality and civility...kayo na bahala kung sino favorite niyong trapo...wala na sa hinlalaki ko ang kinabukasan ng pinas...


bale masakit ang ngipin ko...ayoko nang magpaenrol...

nakakatamad kapag masakit ang ngipin...

lalo na kung tamad ka talaga...

masarap matulog kung tamad ka...

lalo na kapag masakit ang ngipin mo...

may naalala lang ako...

masakit ang ngipin ko...

masakit...

masaklap...

i'm not worthy...

ang galing mo kasi eh...

at hindi masakit ang ngipin mo...

yung akin bulok...

bulok...

di na nakakatuwa eh...

lalo na kpag masakit ang ngipin mo...

may naaalala kang masaklap...

at ayaw mo nang magpaenrol...

ang sakit sa mata...

at sa ngipin...

puta wala ka na nang nagawang maganda masakit pa ngipin mo...

puta talaga...

nakakapanghinayang tuloy...


masakit na eh...

nasa gilid lang naman ako...oo na sira sira na ako...

bulok...butas butas, at kahit anong tago ko eh halatang halata pa rin ang kapintasan ko...

mahirap pala yung pilitin mo yung bagay bagay...dahil balang araw mahihirapan ka na rin at masasaktan...

lahat nang pagtitiis at pagsunod sa lahat nang ibinigay niya at pinakain...

kinaya ko...at pinaghirapan...tiniis...

kahit lahat nung di mo kayang nguyain...at di ko kayang gawin...

pinaghirapan ko...kahit na nabubulok na ako at unti-unting nasisira at nasasaktan...

di ko na kayang takpan ang aking kahinaan...

halos anim na taon na rin naman ksing ganito eh...

nasira na rin sa bawat daan nang oras...

at sa bawat pagpipilit at pagpapanggap na malakas ako...

pero hindi eh...mahina eh...may butas...may pasak lang...

balang araw lalabas at lalabas rin ang aking kahinaan...

di na ko tulad ng dati...

mahina na ako...at baka magulat ka kapag nakita mo kung ano na ang nangyari sa akin...

salamat sa pag-aalala at pangangalaga...

sa bawat pag-toothbrush mo...kahit minsan nakakaligtaan mo...

ngayon siguro balewala na ang lahat...

pipilitin ko pa rin...pero hindi ako manhid...at ikaw rin...

masasaktan at masasktan ako...

pero hindi ako mawawala...

sana...

pasensya na di ko kayang nguyain yung medyo matigas na yema...

dumikit sa akin eh...

ang tamis...ang sakit...

ayan tuloy nasaktan ka rin...buti may mefenamic acid ka...

balewala ang toothpaste eh...(at wala nang colgate sa mga groceries)...

panandaliang lunas... dagliang pagkawala nang sakit...

at kaunting oras lng...darating at darating uli ang sakit...

para kang bagang na sira sira...

na may pasta yung sobrang laking butas...

ung di kinaya yung matamis na sobrang hirap nguyain na yema...

bulok...

parang ako...

at mas masakit ito kasi mamaya lang babalik na uli ung sakit ng ngipin ko...

hahaha...di pa pala ako manhid sa mga ganitong bagay...

at di ko na rin muna hahanapin yung yema na nagpasakit ng ngipin ko...

at sa bawat kirot sa loob ng bibig ko...babalik at babalik pa rin ang alaala mo...

tanginang yema yan...

iiwasan na kita...




nakakatamad...





























   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments